Name :   ERNESTO  T. NAVAL
Name of Family :
Spouse:   Anita Encarnation Naval (Valenzuela, Bulacan)
Children:   Evangeline, Emerson, Edna and Elaine
Grandchildren:   Ma. Luisa S. Naval, Mathew Luis S. Naval,
             Mark Luis S. Naval and Genoa Chanel N. Escalambre
Educational Background:
Polo Elementary School (Valenzuela City)
Arellano High School (Manila, Philippines)
University of the East (Manila, Philippines)
Employment / Career Information:
Philippine National Railways (Caloocan City, Philippines)
Hobbies:  
Taking care of my dogs and watching basketball (NBA).
Present Activities:  
Knights of Columbus, Malinta Council 9591.
Personal Message:  
Kapayapaan sa lahat ng bumubuo ng Arellano High School
Class 1958.


Mabasa ko lamang ang mga pangalan ng naging kamag-aral ko
mula sa first-year hanggang fourth-year at makita ang luma at
bagong larawan nila ay nagbibigay na sa akin ng malaking
kaligayahan at masidhing kasabikang muling magkita-kita sa
Class '58 Grand Reunion sa February 2008.


Ang panalangin ko para sa inyong lahat, narito man sa Pilipinas
o sa ibang bansa, nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan, walang
karamdaman at nabubuhay sa biyaya ng Diyos.


Ako'y nakadarama ng kalungkutan nang makita ko sa talaan ang ilan
sa ating mga kamag-aral na maagang sumakabilang buhay.
Dinadalangin ko sa Diyos na nawa'y nasapiling na sila ng ating
Panginoon.


Nawa'y ang pagkikita natin sa ating Grand Reunion ay maging
mabunga, masaya at puno ng pagmamahal sa bawat isa, at higit sa
lahat, ay maging napakalaking handog sa ating Ama sa langit
sapagkat naipadama natin sa kanya ang nais niyang maganap sa
daigdig - ANG PAG-IBIG.